Sa loob ng isang lipunan na nagbabago na kung saan ang mga radikal na kaisipan ay umiiral, mahalaga pa rin ang pagpapahalaga sa mga diwa at ugali na nagbuo sa atin bilang isang bansa kahit na may kalumaan ito at hindi na naayon sa panahon.
Ngayong Agosto ng taong 2016 ang St. Francis of Assisi School ay nagdiwang ng Buwan ng Wika, na may temang: "Filipino: Wika ng Karunugan." Ang pagdiriwang ito ay naglalayon na pukawin ang isip ng mga estudyante sa pagmahal sa sariling wika, pagtangkilik sa ating sariling kultura at kasaysayan, pahalagahan ang ating pagka Pilipino at higit sa lahat ay buhayin ang diwa ng patriotismo. Idiniriwang rin ito bilang alaala sa ating yumaong pangulo na si Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa.

Noong Agosto 17, isinagawa ang Larong Pilipino sa lahat na pangkat. Nang ika-25 ng Agosto, isinagawa ang isang Kompetisyon ng Katutubong Sayaw (Folk Dance Competition) at Paligsahan sa Deklamasyon at Extemporaneous Speaking Contest.
At sa huling sabado ng Agosto, ay ginanap ang Kulminasyon ng Buwan ng Wika. Sa araw na ito, maraming aktibidades ang isinagawa na sinalihan ng mga mag-aaral, guro, kawani, magulang at mga bisita. Lahat ay nagsuot ng mga pambansang kasuotan. Mga mag-aaral mula unang baitang hanggang sa ika-apat na mataas na paaralan ay nagtanghal ng Modernong Sayaw, Sabayang Pagbigkas, Himig Handog (Kompetisyon sa pagkanta) at nagtapos ang araw sa paglaro ng Bingo.
No comments:
Post a Comment