Friday, August 21, 2009

Buwan ng Wika: Composition Writing

Wikang Filipino, ito ang Wikang nagbubuklod sa ating mga Pilipino. Ito ang dapat nating matutuhan kahit saan man sa bansa. Ito ang ginagamit natin para magkausap at magkaintindihan. Ang wika natin ay utang natin sa isang tao. Siya ay si Manuel L. Quezon. Siya ay ipinanganak sa Baler, Quezon. Hinangad niya na magkaroon tayo ng wika na sariling atin. Siya ay tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Kahit pumunta man dito ang mga dayuhan, hindi pa rin nito mapipigilan ang pagmamahal natin sa sariling nating Wika. Kahit saan man sa Piipinas, ito ay ginagamit ng bawat Pilipino. Mayroong Cebuano, Bicolano, Ilonggo at iba pa. Kahit iba –iba, ito ay dapat nating mahalin. Mula Luzon, Visayas at hanggang sa Mindanao, ang Wikang Filipino ay dapat nating ipagmalaki. Dapt natin itong ipagmalaki dahil sa ito’y makasaysayan kung hindi ay ito ang Wikang nagbubuklod sa ating mga Pilipino. - written by Cherry Belle Pillon, a Grade 6 student




In celebrating the Buwan ng Wika, SFAS had a composition writing contest based on the theme: "Wikang Filipino: Mula Baler Hanggang Buong Pilipinas." It was conducted last August 17, 2009 (Grades 4 - 6) and August 24, 2009 (high school) in the library and it was judged by Ms. Carmelita "Melit" Gustilo, school principal, Mr. Yoyo Sales Diaz, and USLS Filipino teachers - Ms. Karla Guotana, Sir Rey Mendoza and Ms. Cyril de la Cruz.



Wikang Filipino: Mula Baler Hanggang Buong Pilipinas
"Wika raw ay ating pahalagahan at pagyamanin. Ngunit ang tanong, saan nga ba ito nanggalin?"

Ang dating wika natin ay Espanyol at Pilipino, ngunit kailangan mamili tayo. Kung Espanyol ang iyong ibinigkas, ikaw ay nasa ilalim ng kapangyarihang dinadaan sa lakas at walang kalayaan na natatamo sapagkat ika'y natiintindihan ng mga malalaking leon. Ngayon naman, kung wikang sariling atin ang gagamitin ay magkakaintindihan tayo kahit gaano pa karami ang wika sa bansa.

Sa likod ng tagumpay na magkaroon ng sariling wika, atin bigyan pugay ang Ama ng Wikang
Pambansa. Siya ay si Manuel L. Quezon, ipinanganak noong Agosto 13, 1878 sa Baler, Tayabas na ang tawag ngayon ay Aurora. Anak siya ng dalawang guro at siya ay nakapagtapos sa San Juan de Letran.

Si Manuel ay kilala sapagkat siya ang pangulong isinulong ang wikang tagalog na ang ibig sabihin ay makalumang ilog. Noong siya ang naupo para mamuno, pinili niya ang wikang Tagalog laban sa wikang Espanyol upang gawing Wikang Pambansa. Tinipon niya ang pitong miyembro na nagmula pa sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Napagkasunduan nila na gawing opisyal na wika ang Tagalog noong Disyembre 30. Sa kabila ng lahat, hindi ito kaagad natanggap ng mga Cebuano at Waray kaya nahirapan si Manuel. Iniba niya ang pangalan ng Wikang Pambansa at tinawag itong Filipino. Kahit pwede niyang gawing "Pilipino" ang pantawag sa wika natin, pinili niya ang "Filipino" dahil ang salitang Pilipino ay tumutukoy sa tao na naninirahan sa Pilipinas.

Maituturing talaga si Manuel L. Quezon na isang bayani ng ating bansa dahil siya ang naging instrumento upang magkaisa tayo bilang Pilipino. - written by Juliza Rivera, a 4th year student




No comments: